Sumali ang STAC Bayambang sa ginanap na Provincal PWD Summit noong Marso 26 sa kapitolyo.
Ang Summit ay may patimpalak para sa Most Talented Children with Disabilities na kung saan nakilahok ang mga miyembro ng STAC Bayambang na may hearing at speech impairment. Kanilang iprinisinta ang tatak-Bayambang na sayaw na binasuan.
Sila ay sinamahan ni MSWDO head Lerma Padagas, STAC head Alta Grace Evangelista at mga staff ng MSWDO.