Municipio, Nagtungo sa Brgy. Nalsian Sur para sa Komprehensibong Serbisyo Year 3

“Maganda ang ginagawa ni Mayor CTQ dahil nakakatulong siya sa mga tao, especially dun sa mga taong walang kakayanan sa buhay. Sana mas lumawak pa ang proyekto niya para lalong umunlad ang Bayambang.”

Iyan ay ayon kay Roma Des Villaluz ng Nalsian Sur, at isa lamang ito sa mga karaniwang feedback na natatanggap ng Munisipyo tuwing mayroong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa iba’t-ibang barangay.

Dumakong muli ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa ibang distrito, upang maiabot ang mga serbisyo ng Munisipyo, at noong ika 29 ng Marso ay sa Barangay Nalsian Sur nagtungo ang mga officers at staff sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo.

Kasama ang mga barangay ng Nalsian Sur, Nalsian Norte, Tamaro sa District 7 at 8 sa mga naserbisyuhan. Gaya ng nakagawian, dinala ng gobyernong lokal ang mga iba’t-ibang serbisyo nito tulad ng medical check-up, X-ray, ultrasound, dental services, tooth-brushing drill, story-telling, COMELEC voter’s registration, agricultural services, Treasury at Assessor’s Office services, haircut, feeding activity, PNP lectures, rehistrasyon sa mga livelihood training program ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, at marami pang iba.

Sa pambungad na bati ni KKSBFI General Manager Romyl Junio, pinuri niya ang programang ito ni Mayor CTQ. “Ipinagkaloob niya ang nakamtan niyang biyaya sa inyo upang maiangat ang bayan ng Bayambang. Ano man ang narating niya ay siya pa rin ay yumuyuko upang kayo pagsilbihan.”
Paliwanag ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., “Natutuwa kami na magbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo. Election season man o hindi, meron pa ring Komprehensibong Serbisyo sa Bayan. Ang adhikain lamang nito ay maihatid namin kung ano serbisyo ang meron sa Munisipyo sa inyong lugar. Isa rin itong paraan kung paano malabanan ang kahirapan.”

“Sa pagkakataong ito, inaayayahan ko kayong makibahagi sa nalalapit na Pista’y Baley 2019, dahil maraming aktibidad upang kayo ay maging masaya. Sa parte ng kapistahan, matutunghayan din ang pinakamalaking estatwa ni St. Vincent Ferrer. Katon inpaalagey da iya, kasi say gabay mi nakabatan da ya say baley tayo et unaasenso la. Nagpapatunay lamang na hindi pa mayor si CTQ ay nag-iisip na siya upang paunlarin ang Bayambang. At kung merong kooperasyon ng mamamayan, makakamit ang progreso sa bayan,” dagdag niya.

Isinalaysay din ni PNP PIO, PO3 Vina De Leon ang tungkol sa PNP Operational Thrust Against Illegal Drugs and Anti-Terrorism Campaign.
Ani Isaac Cruzada, 69 anyos, “Maganda ang programa ni Mayor CTQ. Saka [nakikita sa mga programang tulad nito] ang malaking improvement ng bayan ng Bayambang.”

May 472 katao ang nagpunta sa Nalsian Sur, iniulat ng HRMO.

Arrow
Arrow
Slider