2019 LGU Employee Orientation: Mga Dapat Alamin ng Kawani ng LGU

Sa pangalawang pagkakataon, nagsagawa ang Municipal Human Resource Management Office (HRMO) ng Employee Orientation sa Balon Bayambang Events Center noong ika-26 ng Marso. Ito ay upang ipaalam sa mga bagong appoint na empleyado ng Munisipyo kung ano ang kanilang mga tungkulin bilang kawani ng gobyerno.

Sa pambukas na mensahe ng deputy head ng HRMO na si Dr. Joel T. Cayabyab, sinabi niya na ang pagiging kawani ng gobyerno ay “isang biyaya dahil nagiging parte tayo ng lokal na pamahalaan upang mapagsilbihan ang ating kababayan at isa din itong pribilehiyo dahil nagiging parte tayo ng kasaysayan ng pagsuong ng bayan ng Bayambang.”

Payo ni Mayor Cezar T. Quiambao sa kanyang inpirasyunal na mensahe, “Mahalin niyo ang inyong trabaho, at kahit maraming gawain, you should be happy. Parang ako I’m happy because I enjoy doing good in our town. Higit sa lahat, maging loyal sana kayo sa anumang aspeto bilang kawani ng gobyerno, sa anumang alam ninyo ay makakabuti para sa bayan.”

Kabilang sa mga paksang tinalakay ni HRMO Department Head Nora R. Zafra at Dr. Cayabyab ang mga sumusunod: “Vision-Mission of LGU Bayambang,” “Employment Status,” “Expectation Setting,” at “Leave Administration.”

Binigyang linaw naman ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. ang tungkol sa “Administrative Offenses and Corresponding Penalties,” “Code of Conduct for Public Servants (RA 6713),” at “Prohibited Acts and Transactions.”

Ang mga nagsipagdalong empleyado ay kabilang sa mga dating job order employees na na-promote sa casual o permanent status sa termino ni Mayor Cezar T. Quiambao. Katulad ng mga permanent employees, sila ngayon ay nagtatamasa ng mga benepisyong naaayon sa batas, at higit pa roon, tulad ng mga unipormeng donasyon ni Mayor Quiambao. Ang mga job order employees naman, sa kasalukuyan, ay nagtatamasa ng mas mataas na sahod kumpara sa mga nakaraang taon (P110 vs P300) at sumasahod sa tamang oras dahil sa pag-aabono ni Mayor Quiambao.

Arrow
Arrow
Slider