LAND DEVELOPER NA ANG LGU-BAYAMBANG! | Groundbreaking ng LGU Ville, Ginanap sa Bical Sur; Notice of Approval, Tinanggap ng mga Magsaysay Occupants; Libreng 30 Housing Units, Inaward na ng CFC-ANCOP-KKBFI
Isa na namang makasaysayang proyekto ang sinimulan sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan noong ika-25 ng Marso, 2019 nang ginanap ang Groundbreaking Ceremony at Signing of Memorandum of Understanding para sa LGU Bayambang Employees Housing Project sa Barangay Bical Sur na programa ng lokal na pamahalaan ng Bayambang at ng Pag-ibig Fund.
Binati ni Vice Mayor Raul R. Sabangan ang mga dumalo sa seremonya, kabilang sina Mayor Cezar T. Quiambao, Kagawad Martin Terrado II, Kagawad Amory Junio, Kagawad Benjamin de Vera, Kagawad Joseph Ramos, Kagawad Mylvin “Boying” Junio, Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Fernandez, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Municipal Assessor Annie de Leon, Municipal Treasurer Luisita Danan, at iba pang department head at empleyado ng munisipyo, mga representante mula sa Pag-ibig Fund, at ilan pang mga bisita.
Ito ang kauna-unahang proyekto ng LGU bilang isang land developer at kapag natapos ay magiging isa itong malaking komunidad, inanunsiyo Mayor Quiambao. Dagdag pa niya, malaki ang maitutulong ng LGU Ville sa revenue ng munisipyo sa darating na mga taon.
Hindi libre ang mga bahay sa proyektong ito. Ayon kay Pag-ibig Business Development Sector Senior Vice President Fermin A. Sta. Teresa, Jr., ang sinumang bibili ay buwan-buwan pa ring magbabayad, ngunit umaabot lang sa 5.375% ang pinakamababang interest rate, na siyang maituturing na pinakamaliit na interest rate sa market. Aniya, ang LGU Ville ay sumusuporta sa BALAI Filipino program ng national government at sa adhikain ng Pag-ibig Fund na makapagbigay ng disenteng bahay sa bawat pamilyang Pilipino.
Kasabay ng groundbreaking ceremony ay ang pamamahagi ng Certificate of Occupancy sa tatlumpung pamilya na titira sa LGU Bayambang-Mojares-Couples for Christ-Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP)-Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. Shelter Project na katabi lamang ng LGU Housing Project.
Tumanggap din doon ng Notice of Approval ang ilang mga benepisyaryo ng Villa Magsaysay Project.
Ikalawa pa lamang ang Bayambang sa mga bayan kung saan nasimulan na ang proyektong pabahay ng Luzon Group ng Pag-ibig Fund. Simula na ito ng katuparan ng pangarap ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Bayambang na magkaroon ng sariling bahay para sa kanila at kanilang mga pamilya.
The Local Government Unit of Bayambang has broken ground on yet another housing project, this time in partnership with Pag-ibig Fund, on March 25, 2019. LGU employees and other Bayambangueños can soon buy a house with low interest rates at the LGU Ville in Brgy. Bical Sur. This is part of the efforts of the LGU to give Bayambangueños the capacity to own a decent house for themselves and for their families.
Posted by Balon Bayambang on Monday, 25 March 2019