Lakbay-Aral sa Villar Sipag Foundation

Nag-organisa ang Bayambang Poverty Reduction Team (BPRAT), kasama ang Bayambang Organic Movers Association (BOMA), Millennial Farmers Association of Bayambang (MFAB), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ng isang benchmarking activity noong ika-22 ng Marso sa Villar Sipag Foundation, ang foundation na itinatag ni Sen. Cynthia Villar sa Las Piñas City, Metro Manila. Ito ay upang kumalap ng iba’t-ibang ideya sa organic farming, handicraft-making, plastic recycling, atbp.

Kasama sa touring group sina BOMA President at MDRRMO head Genevieve Benebe, kasama si RHU 2 head Dr. Adrienne Estrada, BPRAT head Dr. Joel T. Cayabyab kasama si Focal Person on Agricultural Modernization Angelica Andrea Garcia, Ecological Solid Waste Management Office head Luz B. Cayabyab, Municipal Agricultural Office Technician Zyra Orpiano, at Municipal Nutrition Action Office staff Jafet Alcobilla, kasama ang iba pang piling miyembro at staff.

Kabilang sa kanilang binisita ang isang plastic recycling facility ng Foundation na kung saan ang mga plastic waste ay ginagawang plastic chair gamit ang makina. Sunod nilang binisita ang bamboo processing facility na gumagawa ng bamboo panels. Tiningnan din ng grupo ang kanilang farm school at citronella plantation. Nagtungo rin ang grupo sa arts and crafts facility na gumagawa ng mga basket, parol, belen, atbp. mula sa water lily. Nagtapos ang tour sa facility na gumagawa ng lubid na parang abaca gamit ang coco peat bilang raw material.

Arrow
Arrow
Slider