U4U Facilitators’ Training & Teen Trail: Ang Education Campaign Laban sa Teenage Pregnancy at STDs

U4U Facilitators’ Training & Teen Trail: Ang Education Campaign Laban sa Teenage Pregnancy at STDs

Nag-organisa ang LGU ng “U4U Teen Trail,” isang combined training and activity para sa mga kabataan noong Marso 20-21 sa 3F Royal Mall. Layunin nito na tulungang mabawasan ang insidente ng teenage pregnancy at pagkalat ng sexually transmitted diseases sa Bayambang. Ito ay sa pagtutulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Sangguniang Kabataan Federation, Local Youth Development Office, DSWD, at Commission on Population.

Kabilang sa mga nagbigay mensahe sina Vice-Mayor Raul Sabangan, SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez, BPRAT head Dr. Joel T. Cayabyab, RHU 1 nurse Grace O. Abiang, at Population Program Worker Alta Grace Evangelista.

Nakilahok sa aktibidad na ito ang mga SK Chairpersons at SK Kagawad ng iba’t-ibang barangay.

 

Arrow
Arrow
Slider