Nag-organisa ang MDRRMO ng Disaster Contingency Planning Training sa tulong ng Office of Civil Defense sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City, mula noong Marso 20 hanggang Marso 22.
Kasama sa kursong ito ang mga department head ng LGU Bayambang, sina Public Schools District Supervisor Dr. Candra Penoliar at Dr. Catherine Ferrer, at iba pang miyembro ng Municipal DRRM Council.
Layunin ng training na ito na maging proactive ang MDRRM Council upang maiwasan ang sakuna o di kaya’y mabawasan ang epekto nitong pinsala.
Ito ay parte ng adhikain ng Quiambao-Sabangan administration na makitang disaster-resilient ang bayan ng Bayambang.