Parte ng pagdiriwang ng Women’s Month ay ang pagbibigay ng isang araw para sa mga miyembro ng lokal na LGBTQI community noong Marso 21. Ito ay isang paraan ng pagbibigay halaga sa kanila bilang isang sektor ng lipunan.
Pinangunahan ni LGBTQI Association of Bayambang President Yna del Prado ang isang programang ginanap sa Balon Bayambang Events Center.
Naroon sina Municipal Councilor at LCW Vice-President Benjamin Francisco S. de Vera upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe, kasama sina Councilor Joseph Ramos, Philip Dumalanta at Mylvin Junio.
Nagpasalamat naman si MSWDO Lerma Padagas kay Mayor CTQ at Niña Jose-Quiambao dahil binigyan nila ng tinig ang ngaa LGBTQI sa Bayambang. “Sana ay paunlarin at pagyamanin ninyo ang inyong asosasyon upang magbigay-tulong sa bayan,” dagdag niya.
Naging guest speaker si LGBTQI advocate Nikkirellah Alexandria Palaganas Caballero upang maglahad ng kuru-kuro tungkol sa SOGIE o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill.
Nagbukas din ng isang open forum upang mabigyang linaw ang mga agam-agam sa isipan ng LGBTQI, at naroon upang sagutin ang mga katanungan sina PNP Bayambang PIO, PO2 Vina De Leon at RHU I nurse Grace O. Abiang kasama ang guest speaker.