Nagpunta sa Lubao Bamboo Hub and Eco Park sa Lubao, Pampanga ang MDRRMO noong Pebrero 27, 2019 upang magbenchmarking activity doon.
Ang aktibidad na ito, ayon kay MDRRMO head Genevieve Benebe, ay parte ng planning formulation ng LGU sa pamamagitan ng DRRM Office sa posibilidad ng bamboo farming bilang parte ng flood control project sa gilid ng ilog sa 36 na barangay malapit sa Agno River tulad ng Telbang, Amancosiling, San Gabriel 1st, atbp.
Ayon kay Ms. Benebe, ang pagtatanim ng kawayan sa gilid ng ilog ay nakakatulong sa pagpapatibay sa riverbanks, nagsisilbing windbreaker sa panahon ng mapaminsalang bagyo, at nagpopromote ng oxygenation, ecological diversity at livelihood opportunities.