DUGTONG-BUHAY SA ORAS NG PANGANGAILANGAN

DUGTONG-BUHAY SA ORAS NG PANGANGAILANGAN | 170 Bags ng Dugo, Nakolekta sa 1st Quarter Blood Donation Drive

Dahil sa pagtutulungan ng LGU Bayambang, Rural Health Unit 1 at 2, Philippine Red Cross, Local Council of Women of Bayambang, Sangguniang Kabataan Federation, Rotary Club of Bayambang, Knights of Columbus, at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., may 170 bag ng dugo ang nakolekta sa isinagawang Blood Donation Drive sa Balon Bayambang Events Center noong March 18. Ito ay parte ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan at ng mga organisasyon na agad na makapagbigay-tulong sa mga Bayambangueño sa oras ng pangangailangan.

Dumalo doon at nag-donate ang ilang mga kandidata ng Binibining Bayambang 2019 kasama ang kanilang mga kapamilya, kaibigan, at mga ka-barangay na naging malaking tulong sa tagumpay ng Blood Donation Drive. Kabilang din sa mga nagdonate si Municipal Councilor Benjie de Vera.

Nakatanggap naman ng libreng t-shirt at pagkain ang mga nag-donate na maituturing na ngayong mga bayani.

Arrow
Arrow
Slider