Tumanggap ng tsekeng nagkakahalaga ng P100,000 ang Bani Delicious Ice Cream Sustainable Livelihood Program (SLP) Association mula kay Mayor Cezar Quiambao sa pamamagitan ng CSFirst Bank noong Marso 18 sa Events Center.
Ito ay bilang pagtupad ni Mayor Quiambao sa nauna niyang naipangako noong nakaraang taon na tatapatan niya ang kikitain ng sinumang SLPA na magkakaroon ng malinis na revenue mula sa seed capital mula sa SLP ng DSWD na kanilang natanggap upang magsimula sa napili nilang maliit na negosyo.