Bumisita ang mga pinakamataas na pinuno ng bayan ng Maddela, probinsiya ng Quirino, upang mag-benchmarking sa Bayambang noong ika-15 ng Marso, 2019.
Nauna na nilang binisita ang bamboo farming project ng CSFirst Green AID sa Brgy. Mapita, Aguilar, bilang isang mabisang paraan ng pagsawata sa mga landslides.
Sila ay inilibot ni MDRRMO head Genevieve Benebe at CSFirst Green AID OIC President Engr. Bernard O. Bawing bago sila nagtungo sa factory ng mga bamboo products sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Amanperez.
Makalipas nito ay nagcourtesy call ang mga bisita kay Mayor Cezar T. Quiambao sa 3F ng Royal Mall. May 60 katao ang delegasyon ng LGU-Maddela.
Kabilang sa mga opisyal ay sina Councilor Alberto Cadavis, Municipal Treasurer Gloria Fontanilla, LDDRMO Edwin S. Besas, Municipal Agriculturist Jovencio G. Salvador, MSWDO Mary Rose S. Valiente, Budget Officer Melanie Cadavis, at Economic Enterprise Officer George V. Colebra.