Bagong Fish Section sa Public Market, Bukas Na!

Nagbukas na ang bagong renovate na Fish Section ng Bayambang Public Market. Ito ang masayang ibinalita ni Special Economic Enterprise OIC Gernalyn Santos kamakailan.

Sa ulat niya, nagkaroon ng draw lots para sa mga fish vendors noong Pebrero 13, sa tulong ni Municipal Administrator Atty. Raymund B. Bautista Jr. at Internal Audit Unit head Erlinda Alvarez.

Noong Pebrero 20 naman opisyal na lumipat ang mga fish vendors upang mag-umpisang magtinda sa kanilang bagong puwesto, dagdag niya.

Arrow
Arrow
Slider