Ginanap ang isang orientation ukol sa assessment ng implementasyon ng Local Population Management Program sa mga barangay para sa mga Barangay Service Point Officers (BSPOs), midwives at nurses noong Pebrero 20, 2019 sa Events Center.
Ito ay inorganisa ni Population Program Worker Alta Grace Evangelista sa pakikipagtulungan ng Provincial Population Office (PPO) at RHU 1 at RHU 2.
Naroon din si Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo upang iwelcome ang mga participants.
Naging tagapagsalita si Sarah Altamirano ng PPO.
Dumalo rin si Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. upang magbigay mensahe sa ngalan ni Mayor Cezar T. Quiambao, at ito ay nagbigay-halaga sa papel ng mga volunteers na BSPO at mga RHU midwife at nurse pagpapa-iral ng population management program ng gobyerno.
Layunin ng orientation na sanayin ang mga bagong appoint na BSPO sa kanilang tungkulin at upang masigurado na ang programa ng gobyerno ay naisasakatuparan sa kani-kanilang barangay katulong ang mga midwife at nurse.