Sa unang pagkakataon, inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at Municipal Social Welfare and Development Office ang mga solo parents sa Bayambang noong Pebrero 15, 2019 sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pagpupulong na ito, nagdaos ang mga solo parents ng eleksyon upang piliin ang mga lider ng katatatag nilang grupo na pinangalanang Solo Parents Association of Bayambang.
Ayon sa Focal Person on Socio-Cultural Development and Protection ng BPRAT na si Valentine Garcia, ang pag-oorganisang ito ay isang pagtupad sa planong nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan na “to intensify campaign for solo parents’ full rights and privileges by organizing them into an organization.”