Sama-samang ipinagdiwang ng mga Bayambangueño ang Araw ng mga Puso sa Love Concert na inorganisa ng Local Council of Women (LCW) kasama ang Sangguniang Kabataan Federation at LGU Bayambang sa Municipal Plaza.
Ipinakilala na ang mga opisyal na kandidata ng Binibining Bayambang 2019 kasabay ng pagbigay ni Binibining Bayambang 2018 Gabrielle Reloza ng P50,000 para sa Abong na Aro.
Habang kumakanta si Raymark de Guzman, ang rapper na ipinagmamalaki ng Bayambang, at ang Avant Music ay nag-enjoy ang mga dumalo dahil sa libreng cotton candy at popcorn, sa pagsusulat sa Love Wall, at sa pagkandado ng kanilang pagmamahalan sa inihandang love locks. Nagpamigay rin ng P50,000 worth na cash prize sa mga maswerteng dumalo.
Ang lahat ng ito ay naging posible dahil kina LCW President Niña J. Quiambao at Mayor Cezar T. Quiambao. Nakisaya rin sa Love Concert sina Vice Mayor Raul R. Sabangan, Binibining Bayambang 2019 Committee Vice Chairperson Ian Camille Sabangan, Darwina Sampang, SK Federation President Gabriel Fernandez at ilang department heads ng LGU.