Pinuno ng 120 na magsing-irog ang venue upang magsumpaan ng panghabang-buhay na pagsasama.
Nagbigay ng Pambungad na Pagbati ang na
“Damang-dama ang pagmamahal ni Mayor CTQ sa inyo, dahil siya ang nagsabi na minsan lang sa buhay ang ganitong okasyon kaya bigyan ng importansya,” wika ni Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. Aniya ang mga ikinakasal ay naniniwala sa sanctity of marriage, kaya sana ay walang lalapit sa kanya upang magpa-annul. “Sana maging masaya ang pagsasama ninyo hanggang sa inyong pagtanda,” pagtatapos niya.
Tumayo siyempre bilang ninong at ninong ang mga pinuno ng gobyernong lokal sa mga ikinasal. Pinukaw ni Mayor CTQ ang damdamin ng mga ikinasal dahil sabi nito ay hindi biro ang pagpapakasal dahil malaking obligasyon ang pagpapamilya. “Siguraduhin ninyong mapapaganda ang buhay ng inyong magiging pamilya. Nagpapasalamat din ako dahil kayo ay nagdesisyong magpakasal upang harapin ang habambuhay na pagsasama.” Ang kanyang kabiyak na si Niña Jose-Quiambao ay nagbigay din ng mensahe. “Isang responsibilad ang pagpapakasal, kaya dapat ay magtulungan, magmahalan, at maging tapat sa isa’t-isa upang magbunga ng magandang pagsasama,” aniya. “Alam naman natin na sa isang relasyon, merong ups and downs, pero kahit ganun, maging matatag kayo upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Sana gawin ninyong sentro ang Poong Maykapal para mas maging matiwasay ang inyong buhay pag-aasawa.”
Payo naman ni Vice Mayor Raul Sabangan: “Sa mga kalalakihan na nobyo, dapat alam ninyo ang obligasyon ninyo bilang haligi ng tahanan, dahil kayo ang padre de pamilya. Kayo ay magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa nobya naman, binigyan kayo ng kamay upang pagsilbihan ang inyong asawa at anak. Sa mga magulang naman nila, kayo ang gagabay sa inyong mga anak tungo sa magandang pagsasama.”
Naroon ang mga konsehal na sina Joseph Vincent Ramos, Martin Terrado II, Amory Junio, Mylvin Junio, Benjamin de Vera, Philip Dumalanta, at si former Councilor Dominador Flores, pati na rin si Engr. Vici Ventanilla upang magbigay ng sariling mensahe.
Pagkatapos magpalitan ng ‘I do,’ magsuot ng singsing at magsubuan ng cake, doon na rin naghapunan ang mga bagong kasal at kanilang mga bisita, matapos isama ni Mayor Quiambao ang reception sa mga regalong inialay sa mga bagong kasal.