Komprehensibong Serbisyo, DInala sa Brgy. Telbang

Nagkaroon muli ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Telbang Elementary School noong Pebrero 15 kasama ang karatig-barangay ng Buayaen at Dusoc mula sa District 3 at 4, sa paglalayong maipahatid ang mga serbisyo ng Munisipyo sa mga malalayong barangay.
Naroon siyempre ang mga pinakamataas ng pinuno ng Munisipyo, sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, at Councilor Amory Junio, Councilor Martin Terrado II, Councilor Benjamin Francisco de Vera, at Councilor Joseph Vincent Ramos.

Sa munting panimulang programa, binati ang lahat ni Telbang ES teacher Rema Gloria. Ipina-abot naman ni Telbang Punong Barangay Carlos Sta. Teresa (na nasa isang seminar) ang mensahe nito ng pagkakaisa sa pamamagitan ni Brgy. Kagawad Leonardo Maniling. “No walay pankakasakey tayo, sikato so aliguas ya baley tayon Bayambang.”

Naroon din sina Dr. Henry Fernandez at Dr. Nicolas Miguel upang tumulong magbigay ng libreng konsultasyon kasama sina Dr. Paz Vallo ng RHU 1 at Dr. Adrienne Estrada ng RHU 2.

Gaya ng nakagawian, ipinaalala ni Vice-Mayor Sabangan na ang proyektong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay resulta ng tunay na malasakit ng administrasyon sa mga mamamayan na nakatira malayo sa bayan. “Nalilikna mi so paniirap yo ya balang sinansakey. Sa Komprehensibo, inaabot namin ang bawat sitio o purok sa Bayambang upang matugunan ang pangangailangan ng bawat barangay.”

Sinamantala naman ni Mayor Cezar T. Quiambao ang pakakataon upang linawin na “hindi namin aalisin ang 4P’s.” “Pero kung sila ay nakatawid na sa kahirapan, doon lamang mawawala ang pagsuporta ng pamahalaan sa 4Ps.” Sinambit din nito ang iba pang mga proyekto ng administrasyon: ang libreng pabahay para sa mga mahihirap, ang mechanized farming program sa Mayo na inaasahang mag-aahon sa mga magsasaka sa kahirapan, ang pagkakaroon ng P20M na pondo para sa gamit ng RHU 3 at 4, at ang napipintong pagpapagawa ng isang public-private tertiary hospital na kung saan manggagaling pa sa Medical City ang mga magooperate dito.

Pantapos na mensahe ni Romyl Junio, General Manager ng KKSBFI, “Napakaraming talento ang umusbong dahil kay Mayor CTQ dahil sa walang-sawang pagsuporta sa kanila. Kaya sana gawin natin ang ating makakaya upang matulungan si Mayor na marami pang uusbong na talento upang agarang pag-unlad ay makamtan.”

Isa sa mga nagsasalamat sa araw na iyon ay ang residenteng si Marivic Humilde, 49 anyos, na nagsabing “napakaganda ang proyektong ito ni Mayor CTQ dahil marami natutulungan.” Lubos din ang tuwa ni Rita de Vera, 29 anyos, na nagsabing, “Sana laging ganito dahil malaking tulong lalo na yung walang pera na pappacheck-up. Nasosolusyunan nito ang maraming problemang pangkalusugan.”

Sa tala ng HRMO, may 570 na benepisyaryo ang dumating sa araw na iyon.

Arrow
Arrow
Slider