Nagtipon ang mga LGU scholar sa Events Center noong February 8 para sa isang meeting na inorganisa ng Local School Board sa ilalim ni Dr. Rolando Gloria.
Doon nagkaroon ng open forum at nagpasalamat ang mga graduating scholars kay Mayor Cezar T. Quiambao dahil sa kanyang pagtulong sa kanilang pag-aaral.
May 880 na PSU-Bayambang students ang nakatakdang makatanggap ng maliit na financial assistance sa darating na semestre.