Umattend ang mga opisyal at staff ng RHU 1 at RHU 2 sa “Roll-Out Training on the Revised Field Health Service Information System (FHSIS) Manual of Procedures” noong Enero 23-24, 2018 sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City.
Naroon sa training si Provincial Public Health Coordinator Maricel C. Abulencia bilang isa sa mga resource speakers, at kanyang tinalakay ang tungkol sa infectious disease prevention, leprosy control program, at rabies control program. Umattend din si District Health Nurse Leah J. Austria.
Kabilang sa mga speakers sina Grace O. Abiang, na tumalakay sa familh planning services, oral care, at non-communicable disease prevention; Erik Rezon Macaranas, na tumalakay sa child care services at environmental health and sanitation services.
Malaking tulong ang mga bagong kaalamang natutunan sa training na ito sa pagpapalawak ng serbisyong medikal ng LGU sa pamamagitan ng itinatayong RHU 3 sa Brgy. Carungay at RHU 4 sa Brgy. Macayocayo.
May plano rin si Mayor Cezar T. Quiambao na magpatayo ng isang tertiary hospital sa hinaharap, at hindi lamang Bayambang ang magbebenipisyo sa malaking proyektong ito, kundi pati na rin ang iba’t-ibang karatig-bayan.