Married Couples Seminar: Paghahanda para sa mga Lalahok sa Mass Wedding

Bilang paghahanda sa nalalapit na Mass Wedding sa darating na February 14, 2019, nag-organisa ng Married Couples Seminar ang Local Civil Registrar’s Office at Municipal Social Welfare and Development Office sa Balon Bayambang Events Center noong Pebrero 7.

Sa nasabing seminar, ipinaliwanag ni LCR head Ismael Malicdem Jr. ang magiging proseso sa Kasalang Bayan sa Araw ng mga Puso at ang kailangang gawing paghahanda ng mga mag-iisang dibdib bago ang kanilang espesyal na araw.

Naroon din sina Kagawad Martin Terrado II, MSWD Officer Lerma Padagas at Population Program Worker Alta Grace Evangelista, upang magbigay ng mensahe at mga praktikal na payo sa iba’t-ibang aspeto ng bagong buhay na kakaharapin ng mga ikakasal.

May 118 couples ang umattend sa seminar.

Arrow
Arrow
Slider