“Healthy Young Ones” — ang Usapang Pangkalusugan para sa mga Teen-Ager

Nagdaos noong Pebrero 7 sa Tococ National High School (TNHS) ang Rural Health Unit 1, sa pakikipagtulungan ng DOH at Bayambang Poverty Reduction Action Team, ng seminar na ‘Healthy Young Ones,’ upang magturo sa mga teen-ager doon ukol sa kaalamang seksuwal, partikular na ang responsibilidad na kaakibat nito.

Naroon si Dr. Confucius Cristobal, Principal ng TNHS, upang iwelcome ang mga taga-LGU sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo.

Kabilang sa mga lecturers ang mga nurses na sina Grace O. Abiang, na nagturo tungkol sa puberty, male at female reproductive system, at menstrual cycle; Nancy B. Dulay, na naglecture ukol sa gender and health at reproduction and responsibility; Eurika Q. Fernandez, na tumalakay sa sexually transmitted infections at HIV-AIDS; at Jessie Herrera at Normin Velasco, na nag-lecture para sa mga lalaking estudyante. Naglecture din si Dr. Dave Francis Junio ukol sa dental hygiene.

Arrow
Arrow
Slider