Sa unang pagkakataon, nag-organisa ang LGU, sa pakikipagtulungan sa Provincial Population Office at MSWD Officer Gng. Lerma Padagas, ng isang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Intersex (LGBTQI) Association sa Bayambang upang tulungan ang naturang sektor kung paano harapin ang mga hamon ng panahon tulad ng karahasan, diskriminasyon, at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao dahil sa kanilang oryentasyong sekswal o pagkakakilanlan ng kasarian. Ito ay ginanap noong ika-4 ng Pebrero sa Aguinaldo Room ng Balon Bayambang Events Center.
Sa pagpupulong, tinalakay ang ukol sa HIV dahil, ayon sa survey, karamihan ng nagpopositibo sa HIV ay bisexual at kailangan ng mas pinaigting na information dissemination sa sektor na ito upang makatulong sa pag-iwas sa virus at sa dulot nitong sakit na AIDS.
Ayon kay Gng. Padagas, sa taong 2020 ay uumpisahan ang mga proyektong nais isagawa ng Asosasyon, kaya ngayon pa lang ay uumpisahan na nilang mag-isip ng mga aktibidad na makakatulong sa mga adhikain ng Asosasyon. Dalawa sa representante mula sa asosasyon ay nakatakdang dumalo sa Training on Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) sa February 7-8, 2019 sa Dagupan Village Hotel upang pagtibayin ang kanilang kaalaman ukol sa mga usaping LGBTQI.
Bago ang naturang pagpupulong ay nauna nang nagkaroon ang grupo ng election of officers. Narito ang listahan ng mga hinalal na opisyal:
President: Raymund del Prado/Yna
Vice-President: Rodrigo de Guerto/Joyce at Karen Renz Penullar
Secretary: Jaymie Benitez/Shai
Sub. Secretary: Amber Ferrer/Heart
Treasurer: Jenrill Manalo/Jhen
Sub. Treasurer: Ejhay Ventura
Auditor: Romar Cayabyab/Paula
Sub. Auditor: Roderick Mendoza/Rhoda
P.R.O.: Ferdinan Cayabyab/Frida
Sub. P.R.O.: Marlon Caranto/Maica
Business Manager: Junior Valdez/Jenny
Sub. Manager: Christian Paul Junio/Paula
Srgt. at Arms: Marlon Bugayong/Marla
Sub. Srgt. at Arms: Conrado Acejo/Kim, Ailiene MosadaAil