Bumisita sa Munisipyo ang mga opisyal ng Bauang Crochet Association Inc. noong Huwebes (Enero 31) upang makipagpulong sa Bayambang Poverty Reduction Action Team kaugnay ng nalalapit na seminar on crocheting (paggagantsilyo) bilang isang karagdagang hanapbuhay o livelihood.
Ang grupo ay pinangunahan ng presidente ng asosasyon na si Dra. Menchie de Guzman, na asawa ni Bauang Mayor Eulogio Clarence Martin P. de Guzman III;
Ms. Virginia Abuan; Angeline Llarenas, at Rebecca Sabado, Bauang Municipal Agriculturist at Municipal Focal Staff on Livelihood Project.