Mga Magsasaka at Mangingisda: Magpa-Insure na ng Libre sa PCIC!

Noong Enero 17, ginanap sa Manambong Sur ang pagpapainsure ng dalawang fishpond na hawak ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Association members doon na tinutulungan ng DSWD Municipal Link.

Ayon kay Dave Doctolero ng DSWD, this is in coordination with the Bayambang Poverty Reduction Action Team, Municipal Agriculture Office (MAO), at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC). Matatandaang pinondohan ng MDRRMO ang mga naturang proyekto sa barangay matapos manalasa ang Bagyong Ompong noong Setyembre 2018. Kabilang din sa mga tumulong ang Kasama Kita sa Barangay Foundation, na siyang naghukay ng mga naturang bagong fishpond.

Ayon kay Ms. Dianne Mae S. Garcia ng PCIC, isang government-owned and -controlled corporation, hinihikayat ng ahensya ang mga lokal na magsasaka at mangingisda na magpainsure ng kanilang agricultural crops at aquaculture produce ng libre sa PCIC. Paliwanag ni Garcia, sa minimum na 20% damage ng crops due to natural cause ay may matatangap na payment ang owner mula sa PCIC. Kailangan lang aniya nilang makipag-ugnayan sa MAO para sa application form at mga katanungan.

Arrow
Arrow
Slider