Sa pangatlong pagkakataon, muling nagbukas ang Balon Bayambang Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament noong umaga ng Sabado, ika-12 ng Enero.
Inumpasahan ito ng isang motorcade sa paligid ng Poblacion na sinundan ng isang maikling programa sa Events Center.
Ayon sa organizer ng tournament, ang Bayambang Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa ilalim ng kanilang Executive Director na si Ret. Prof. Bernardo Jimenez, kasama ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno si SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez, ang palarong bayan na ito ay sinalihan ng 67 out of 77 na barangay ng Bayambang.
Sa kanyang mensahe sa programa, pinaalala ni Fernandez kung ano ang layunin ng patimpalak: ang isulong sa mga kabataan ang pagkakaibigan, camaraderie, at sports development sa grassroots level. Isa rin itong paraan aniya upang iiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo tulad ng paggamit ng droga.
Nakatakda ang championship games ng palaro sa Events Center sa April 4 bilang parte ng pagdiriwang ng 405th Town Fiesta.