Bayambang, Nag-Host ng 3rd Inter-Town Basketball Tournament; Bayambang Warriors, Nag-Back-to-Back Win

Naging host ang bayan ng Bayambang ng isang set ng matches sa 3rd Inter-Town Basketbal Tournament (POGI’s Cup) nitong Sabado at Linggo (Jan. 12-13) sa Balon Bayambang Events Center.

Tinalo ng Bayambang Warriors ang koponan ng San Carlos matapos ipakita ang kanilang lakas sa loob at outside shooting. Tinambakan agad nila ang San Carlos sa unang yugto ng laban sa pamamagitan ng kanilang outside shooting hanggang hindi na nakahabol ang San Carlos at makarating ang match sa final score na 96-73. Scoring by quarter: 20-11, 30-48, 74-44, 96-73.

Samantala, tinalo rin ng Bayambang Warriors noong sumunod na araw ang powerhouse team ng Calasiao sa dikdikan nilang laban sa iskor na 84-80. Ipinakita ng Warriors ang kanilang mahigpit na depensa noong 4th quarter nang habulin nila ang walong puntos na kalamangan ng Calasiao papasok ng 4th quarter, para makuha ang kanilang back-to-back na panalo nitong nakaraang linggo.

Ang Bayambang Warriors ay may record na 4 wins at 1 loss sa turnamentong ito. Scoring by quarter: 15-20, 35-39, 55-63, 84-80. Kabilang sa kanilang coaching staff sina Dr. Joel Cayabyab, Catalino ‘Noi’ Perez III, Sherman Castillo, at Reddy Roland Mina. (Jayvee M. Baltazar/Photos by Jayvee M. Baltazar and Catalino Perez III)

Arrow
Arrow
Slider