Nag-organisa ang MDRRMO ng Local Disaster Risk Reduction and Management Plan Formulation Workshop sa Thunderbird Resort sa San Fernando, La Union noong Enero 9-11. Naroon siyempre ang head ng MDRRMO na si Genevieve Benebe kasama ang ilang head at staff ng mga lead agencies at departments sa panahon ng kalamidad upang gumawa ng komprehensibong plano na makakatulong sa pagiging handa ng taumbayan sa anumang sakunang dumating. Naroon din si Councilor Amory Junio bilang head ng Committee on Waste Management and Disaster Management ng Sangguniang Bayan.
Importante ang workshop na ito para mapaghandaan ang mga kalamidad, ani Municipal Chief of Staff Atty. Raymundo B. Bautista. Ipinarating naman ni MDRRM Officer Benebe na seryoso ang lokal na pamahalaan sa pagsigurado ng kaligtasan ng bawat Bayambangueño.
“I am expressing my heartfelt thanks and gratitude to the local government unit of Bayambang headed by Mayor Dr. Cezar T. Quiambao,” ang sabi ni Cecilia Catungal, ang MDRRM Officer ng bayan ng Malasiqui na nakasama ng Bayambang sa naganap na workshop. Ang dalawang bayan ay nagsabay sa workshop na pinangunahan ng Office of Civil Defense Regional Office 1.
Nilalayon ng dalawang munisipalidad na paigtingin ang kapasidad ng mga munisipyo at kani-kanilang constituents na manatiling ligtas anuman ang dumating na kalamidad.