May 10,500 tilapia fingerlings ang muling pinakawalan ng DSWD Municipal Link at MSWDO noong ika-10 ng Enero sa Brgy. Manambong Sur para sa Tilapia Growers Associations of Sitio Leksab & Sitio Subdivision.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Municipal Agriculture Office, General Services Office, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture, Philippine Crop Insurance Corp. , at ang Barangay Council ng Manambong Sur.
Galing ang pondo ng proyektong ito mula sa MDRRMO, samantalang ang KKSBFI naman ang nagpahukay ng bagong fishpond. Naroon naman si Aquaculture Technician Federico Alcantara ng MAO na siyang supervisor ng proyekto.
Matatandaang nauna nang magpakawala ang grupo ng 2,000 dalag fingerlings noong nakaraang taon sa lugar upang matulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Ompong doon. Ani Municipal Link Dave Doctolero, “Sa pagkakataong ito, sana ay makabawi na sila.”
Dagdag pa ni Doctolero, nakatakdang tumanggap ang grupo ng Pantawid Pamilya claimholders na ito ng 94 sako ng feeds para sa mga nirelease na punla.
Ang Agriculture Office naman ay may kaparehong proyekto rin sa Brgy. Langiran at Brgy. Macayocayo para sa mga hindi miyembro ng Pantawid Pamilya.