Gaya ng sabi ng isang patalastas, “Para kanino ka bumabangon?”
Sa mga repleksiyong tulad nito kumaharap muli ang mga piling empleyado ng LGU sa isa na namang seminar na handog ni Mayor Cezar Quiambao na inorganisa ng Human Resource Management Office noong isa-11 ng Enero sa Events Center. Ito ay ang Work Attitude and Value Enhancement o WAVE Seminar.
Naging resource speaker dito si Dr. Alfonso S. Dangat, isang Educational Program Supervisor ng DepEd Pangasinan 2, at ito ay inatendehan ng 138 na empleyado mula sa lahat ng departamento at ahensiya.
“Ano sa tingin mo ang iyong kontribusyon sa LGU?”
Naging malinaw sa lahat ng participants na mahalaga ang papel ng bawat isa sa LGU gaano man ito kaliit o kababa sa paningin ng empleyado o ng ibang tao, at ang isang susi sa pagbabago, ayon kay Dangat, ay ang paradigm shift o pagbabago ng perspektibo.
“Hanggang saan ang kaya mong ibigay?”
Pinukaw ni Dangat ng iba pang katanungan tulad nito ang isipan ng mga empleyado sa pamamagitan ng iba’t-ibang group dynamics at team-building activities. Importante aniya ang maayos at malinaw na komunikasyon, mula taas patungong ibaba, upang maging maayos din ang isang organisasyon. Isa pang essential trait, aniya, ay ang resiliency ng isang empleyado sa mga panahon ng pagsubok.
Ayon kay Lester Blancas ng Tourism Office, nakatulong ang seminar sa kanya na maging positive at maging inspirasyon sa iba. Nakita naman ni Verna Ferrer ng Public Information Office na anuman ang pagdadaanan niya sa kanyang posisyon ay may maganda itong patutunguhan.
“Do not work just for the money, but also learn to value your work and enjoy it. In that way, magiging magaan ang trabaho,” wika naman ni Luz Cayabyab ng Solid Waste Management Office tungkol sa kung ano ang pinakatumatak sa kanya. “Ang pagtatrabaho ay hindi lang sa isip, kundi sa puso rin.”
Sabi ni Lady Gwyn Pagsolingan ng Administrator’s Office on Anti-Poverty, “After yesterday’s seminar, I also want to do public speaking. ‘Fear will stop you from growing,’ the resource speaker mentioned during his presentation. And a moment later, I said, he is right! So we should get out of our comfort zone in order for us to achieve excellence.”
Sabi naman ni Arvin Malagotnot ng Sangguniang Bayan: “To achieve excellence we need to have a positive mindset and perspective, train ourselves to learn more knowledge and ideas, and be willing to embrace change for innovation. Employees must be able to actively listen and comprehend what someone is telling them and be able to voice their ideas in clear, concise and objective ways.”
“Isang hamon ang iniwan para sa atin: ‘Hanggang saan ang kaya nating maibigay na serbisyo para sa ating departamento o para sa LGU Bayambang?’
Well, we will do whatever it takes, upang maging produktibo at maging epektibong mga empleyado,” giit pa niya.
Ilan lamang sila sa mga participants na nagpahayag ng bago at positibong kaisipan mula sa matagumpay na WAVE Seminar. Matatandaang sa inisyatibo ni Mayor Quiambao, naglunsad ang HRMO ng professional development program para sa lahat ng empleyado ng LGU upang ang kanilang sarili ay tuluy-tuloy na mapalago at nang sa gayon ang kanilang pagsisilbi sa taumbayan ay mapanatiling mahusay.