Dumalo ang mga department heads at piling empleyado ng LGU sa ‘Integrity in Leadership Seminar: Finding Purpose in Your Work’ na inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) sa 3rd floor ng Royal Mall noong ika-10 ng Disyembre.
Naimbitahang speaker sa seminar si Pastor Jeffrey Eliscupidez ng Victory Christian Fellowship-Fort Bonifacio. Nagbigay-linaw at inspirasyon si Pastor Jeff sa mga empleyado ukol sa kanilang mga prayoridad sa buhay, kabilang na ang kanilang pagpasok bilang mga manggagawa ng gobyernong lokal.
Ipinaliwanag ng puno ng BPRAT na si Municipal Administrator-Anti-Poverty Office Atty Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad na ang seminar na ito ay nakapaloob sa Good Governance sectoral goal ng Bayambang Poverty Reduction Plan. Inaasahang ang pagbigay-inspirasyong ito sa mga LGU officers at employees ay mangangahulugan ng mas inspiradong pagsilbi ng LGU sa mga mamamayan.
iba’t-ibang ginintuang aral ang napulot ng mga nakinig. Ayon kay Market head Gernalyn Santos, “Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for men, and you will not burn out at work.”
Para kay Vice Mayor’s Office Secretary Victoria Malagotnot, “Tumatak sa akin na ‘Put God first in all things. In everything you do, do it it all for the glory of God.'”
Hindi naman daw makalimutan ni Jirah Junio ng Municipal Museum ang mga katagang, “Every work is a blessing from God.”
Nagustuhan naman ni Municipal Librarian Leonarda Allado ang kasabihang “There is no elevator to success. You have to use the stairs.” Sabi naman ni Macario Garcia na kanyang staff, “Thankful ako dahil isa ako sa mga naisama sa programang ito. Dahil dito, mas nakita ko kung bakit ko mas kailangang pag-butihin ang aking pagiging isang public servant, kung saan at kanino ako huhugot ng lakas ng loob at tiwala sa sarili na siyang magagamit ko sa pang-araw-araw sa pagsisilbi sa mamamayan.”
Ang mensaheng mas nag-iwan naman ng impresyon kay Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno ay ‘Do not do what is easy, but what is right.”
“More events like this, please!’ dagdag pa niya.