Mga minamahal kong Bayambangueño, dapat lamang na malaman ninyo kung ano talaga ang katotohanan.
Nakakalungkot na may ilang Bayambangueño ang nagagamit ng lingid sa kanilang kaalaman para siraan ang aking pangalan. Narito sila para ituwid ang mga pahayag nila na binaluktot sa video na ipinost ng Detalyado Pangasinan . Ayon sa kanila, ang akala nila ay isang simpleng interview lang tungkol sa kanilang renta ang gagawin, hindi nila alam na gagamitin ito sa isang propaganda na nagpaparatang na may korapsyon na nagaganap sa Ating Munisipalidad.
Mga Bayambangueño, huwag tayong magpapaloko sa mga taong mapanira at makasarili. Nagta-trabaho ang administrasyong Quiambao-Sabangan para masiguro na wala nang magtatangka pang mangurakot sa ating bayan. Pinipigil namin ang korapsyon dahil alam namin na pinaghihirapan niyo ang bawat piso na ibinabayad niyong buwis sa gobyerno at sinisiguro namin na lahat ng ibinabayad niyong tax ay napupunta sa patuloy na pagpapaganda ng Bayambang.