Malugod na tinaggap ng MSWDO Mrs. Lerma D. Padagas ang mga accreditors galing sa DSWD Field Office 1, San Fernando City, La Union, noong ika-3 ng Disyembre 2018 para sa accreditation/assessment ng last batch ng Child Development Centers (CDWs) sa Bayambang.
Ang mga Barangay Day Care Centers under evaluation ay Amancosiling Sur, Malioer, Pangdel, Idong, Inanlorenza, Maigpa, Mangayao, Magsaysay, Pantol at Zone 1.
Layunin ng assessment na maipagpatuloy ang lisensya ng mga CDWs at tamang pangangalaga sa ating mga pre-schoolers na naayon sa Administrative Order No. 15, series of 2011 ng DSWD.
Ang accreditation ay inorganisa ng mga Focal Person on Children na sina Mr. Marvin P. Bautista at Mr. Danny N. Ventura.