Nagtapos sa Basic Training Course ang mga bagong appoint na Barangay Nutrition Scholars (BNSs) mula sa iba’t-ibang distrito.
Layunin ng tatlong araw na training na ginanap noong Nobyembre 27-29, 2018 sa Rizal Hall, Events Center na sanayin ang mga bagong BNSs upang maging epektibong nutrition worker sa kani-kanilang barangay.
Ang mga naging trainors nila ay sina Municipal Nutrition Action Officer Venus M. Bueno at nurse ng RHU 2 na si Lady Philina Duque.