Sa Pagtatapos ng Taon, Komprehensibong Serbisyo Nagtungo sa Bani

Sa pagtatapos ng taon, dinala ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 2 sa Bani Elementary School upang magpabot ng mga serbisyo na meron ang Munisipyo sa Brgy. Bani at mga karatig-barangay sa District 7 na Asin at Ligue.
Pinangunahan ito siyempre ni Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul R. Sabangan, Municipal Councilors Mylvin ‘Boying’ Junio, Joseph Vincent Ramos, Amory Junio, at Martin Terrado II, ex-Councilor Gerardo Flores, Liga ng mga Barangay President at Bani Punong Barangay Rodelito Bautista, Sangguninang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, ang overall chairperson ng proyekto na si Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo at mga mga department heads. Naroon din si former San Carlos City Councilor Vici Ventanilla.

Sa munting panimulang programa, bumati si Vivian Palisoc bilang representative ni Bani ES Principal Lamberto de Vera at winelcome ang lahat sa paaralan. Binanggit naman ni PB Bautista na noong nakilala niya ang Team Quiambao-Sabangan, “anengneng ko’y liwawa tan maong ya panserbisyo ed baley. Insan anta tayo met ya amayamay so naitulong da ya pagbabago ed barangay tayo.”

Paliwanag naman ni Vice-Mayor Sabangan, “Angangko mankelaw kayo no akin wala yan serbisyo ed barangay yo – piyano mangiter kami ya pampaabig na laman yo.”

Sinamantala nito ang pagkakataon upang ipaliwanag ang tungkol sa pagtaas ng singilan ng buwis. “Hindi po kami ang nagpapatupad nito kundi ang provincial government. Walang kakayahan ang LGU Bayambang upang ipataas ang buwis. … Huwag sana kayong matakot sa mga taong naninira sa magandang samahan natin. Sana ay maniwala kayo sa tama, piyano tuluy-tuloy so aliguas na Bayambang.”

Sa kanyang talumpati, ipinakilala ni Mayor Cezar T. Quiambao ang panganay na anak ni ex-Councilor Levin Uy na si Levinson Uy bilang kapalit ng kanyang pinaslang na ama “upang ipagpatuloy ang nasimulan nito.” Nilinaw din niya ang iba’t-ibang isyung pilit na ipinupukol sa kanya ngunit pawang walang katotohanan.

Kumpirmasyon naman ni Levinson Uy, “Nandito po ako, hindi para humingi ng awa at simpatya, kundi upang ipaglaban ang nasimulan ng aking ama. Kahit wala na siya, [di nangangahulugang] hindi na maisakatuparan ang kanyang magandang adhikain para sa ating bayan.”

Dumalo rin sa Komprehensibong Serbisyo ang mga miyembro ng Rotary Club upang magbigay ng snacks sa mga benepisyaryo. Naroon din sina Dr. Henry Fernandez at Dr. Nicolas Miguel para magbigay ng libreng konsultasyon.
Ayon sa tala ng HRMO, may 716 na benepisyaryo ang edisyong ito ng Komperhensibong Serbisyo sa Bayan.

Arrow
Arrow
Slider