Mini-Factory, Binuksan sa Pantol

Pormal nang binuksan ang isang mini-factory sa Brgy. Pantol para sa mga mananahi ng Masagana Sustainable Livelihood Program Producers Cooperative noong Nobyembre 22.

Ang mga sastreng ito ay miyembro ng Pantawid Pamilya na nakapagtapos magtraining sa Dressmaking course sa Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. noong nakaraang taon, sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development.

Ang munting ribbon-cutting ceremony ay dinaluhan nina Municipal Administrator-Anti-Poverty Office Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Pantol Punong Barangay Jose G. Perez, mga DSWD Municipal Links Ayen Sison, Randy Cacayan, at Dave Doctolero, Municipal Social Welfare and Development Officer Lerma Padagas, at mga opisyal at miyembro ng kooperatiba.

Kabilang sa mga produkto ng mga mananahi ay mga eco-bags, basahan, atbp.

Nagpasalamat si PB Perez kay Mayor Cezar T. Quiambao dahil sa suporta nito sa proyekto, gayundin ang presidente ng kooperatiba na si Josephine Marquez.

Bilang kinatawan ni Mayor Quiambao, ipinaabot ni Atty. Sagarino-Vidad ang mensahe nito tungkol sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan bilang isang proyekto upang tugunan ang pangangailangang pangkabuhayan ng mga taga-Pantol at lahat ng Bayambangueño. “Kahit napakalayo ng barangay ninyo sa sentro ay pilit itong aabutin ng LGU upang kayo ay matulungan,” aniya.

Payo naman ni Gng. Padagas sa mga benepisyaryo, “Palaguin ninyo ang binahaging biyaya sa inyo. Ito ang susi sa tuluy-tuloy na pagginhawa ng inyong pamumuhay upang hindi kayo forever na 4Ps.”

Nakatakdang magsponsor ang LGU ng isa pang mini-factory sa Brgy. Manambong Sur sa nalalapit na hinaharap.

Arrow
Arrow
Slider