Orientation sa Agri-Lending Program ng RBA, Inorganisa

Nagorganisa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng orientation sa offer na Agri-Lending Program ng Rural Bank of Angeles para sa mga lokal na magsasaka noong ika-20 ng Nobyembre sa Kasama Kita sa Barangay Foundation, Brgy. Amanperez.

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang barangay farmers’ association na interesado sa credit facility na ito na may 1.5% lamang na interest kada buwan.

Sa open forum, matiyagang sinagot ng manager ng bangko na si John Michael Castillo ang lahat ng katanungan ng mga magsasaka sa tulong ni Malvar Iglesias ng MAO.