DA, Namigay ng Palay sa mga Nasalanta ng Bagyong ‘Ompong’

Nagpamahagi ng 1,250 packs ng palay seeds mula sa Agriculture Office-Region I ang Municipal Agriculture Office noong ika-10 ng Nobyembre sa Municipal Nursery sa Pangasinan State University-Bayambang Campus.

Mayroong apat na klase ng binhi ang naipamigay — Pioneer 77, TH 82, Bigante Plus, at NK-2 – at ang mga ito ay ipinamahagi sa mga magsasaka ng Barangay Pantol, Warding, Managos, San Vicente, Darawey, Telbang, ilang parte ng Buayaen, at mababang parte ng Dusoc at Bical. Ayon sa Agriculture Office, ang mga naturang magsasaka ang naapektuhan noong kasagsagan ng Bagyong ‘Ompong’ noong nakaraang Setyembre 15. Naglalayon itong tulungan silang makabawi sa sakunang kanilang kinaharap.

Arrow
Arrow
Slider