Komprehensibong Serbisyo, dinala sa Bical Norte

Nagkaroong muli ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa paglalayon nitong maipahatid ang mga serbisyo ng Munisipyo sa mga malalayong barangay, at sa pagkakataong ito (ika-26 ng Oktubre), nagpunta ang LGU Bayambang sa Barangay Bical Norte Elementary School upang bigyang serbisyo ang mga barangay ng Bical Norte, Bical Sur, at Sancagulis sa District 3.

Sa munting panimulang programa, binati ang lahat ni Bical Norte Elementary School Principal Emy Rose Bondoc, na nagsabing, “Kahit ‘di ako taga-Bayambang, ramdam ko ang pagbabago sa bayan ng Bayambang.”

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat naman si Bical Norte Punong Barangay Jessie S. Abalos sa itinuturing niyang “handog na maagang regalo” at “ikagagaan ng kanilang pamumuhay.”

Ayon kay Vice-Mayor Raul Sabangan, nagkaroon ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan dahil nakita ng administrasyon ang pangangailangan ng mamamayan. Pero dagdag niya, “Agtayo undedepende ed sayan programa. Say kailangan tayo, iangat so sarili ed kairapan, kanyan walay Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Aya so sakey ya mangiter na tunay ya inawa ed belay tayo. Kanyan siren suportaan yo kami ta piyano aga napatir so pansugpo tayo ed kairapan, umpan unasenso so baley tayo.”

Sa kanyang talumpati, binigyang-diini ni Mayor Cezar T. Quiambao ang kasalukuyang proyekto sa pagsugpo sa kahirapan sa bayan ng Bayambang, sa pamamagitan ng pagtalakay sa limang sectoral goals ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028: ang Agricultural Modernization, Economic and Infrastructure Development, Socio-Cultural Development and Protection, Environmental Protection and Disaster Resiliency, at Good Governance.

“Maisasakatuparan lamang natin ang mga ito kung may pagkakaisa. Kung tayo ay magtutulungan, magiging madali ang pag-angat ng ating bayan,” aniya.

Dadag naman ni Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKBSFI) Managing Director Levin Uy, “Actually, wala pa ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan, may foundation na tulad ng KKSBFI para matulungan kayo ni Mayor. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumitigil upang kayo ay pagsilibihan. Walang inisip kundi kung ano ang ikakabuti ng bayan.”

Dumalo rin sa edisyong ito ng Komprehensibong Serbisyong sa Bayan ang Hermano Mayor para sa 2019 na si Dr. Henry Fernandez upang magbigay ng libreng konsultasyon. Naroon din ang DOH Universal Health Care representative na si Dr. Tina Alvenida, kasama ang ob-gyne na si Dr. Aprilyn Cortez.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng blood donation drive bilang parte ng Komprehensibong Serbisyo, na kung saan 25 donors ang nakunan ng dugo. Layunin nito na siguraduhing may nakahandang dugo para sa mga Bayambangueño sa oras ng pangangailangan.

Ayon sa tala ng Human Resources Management Office, may 551 benepisyaryo ang dumating sa pagkakataong ito.

Arrow
Arrow
Slider