Isang Barangay Mobilization Information and Education Campaign ang kasalukuyang isinasagawa ng ESWMO. Nagsimula ito noong ika-25 ng Setyembre sa Zone I.
Kasama si G. Philip Matthew Licop ng DENR-EMB RO1 sa pag-iikot sa mga barangay ng Bayambang upang tulungan ang mga Punong Barangay at mga konseho nito sa pagpapatupad ng RA 9003 at umagapay sa pagbalangkas ng kanilang Barangay Solid Waste Management Plan.