Noong September 28 ay ginanap ang “Bayan Ko, Linis Ko” Coastal Clean-Up sa pangunguna ng Ecological Solid Waste Management Office na pinamumunuan ni Rogelio dela Pena.
Sa temang “Tayo ang Solusyon sa Polusyon,” ito ay bilang pagtalima ng nasabing departamento sa panawagan ng DENR-EMB na magkaroon ng taunang paglilinis sa mga kailugan ng bansa tuwing Setyembre.
Katuwang ng ESWMO ang mga barangay ng Poblacion Sur, Zone I, Zone 2 at Zone 4 sa paglilinis ng mga river dikes, Zone 3 sa mga estero at canal, at Barangay Langiran sa Langiran Lake.
Lubos din ang pasasalamat ng ESWMO sa SEE Market Division, MDRRMO, Engineering, Tourism at GSO sa kanilang tulong at suporta.