Namahagi si Mayor Cezar T. Quiambao ng indigent PhilHealth ID card sa 270 Barangay Kagawad at tatlong indigent Heart Center patients noong Oktubre 1 sa Balon Bayambang Events Center sa tulong nina Gng. Lerma Padagas ng Municipal Social Welfare and Development Office at Gng. Jocelyn Espejo Head ng Mayor’s Action Center.
Ito ay katuparan ng naipangako ni Mayor Quiambao sa mga nanalong opisyales ng barangay noong nakaraang Mayo.
Naroon si PhilHealth Coordinator Mon Relites upang talakayin ang mga benepisyong makukuha sa pagkakaroon ng PhilHealth card para sa Indigent Program ng ahensya.
Ipinaliwanag nito kung sinu-sino ang maaaring magbenepisyo at ang ibig sabihin ng “no balance billing.” Ito aniya ay ang policy sa Indigent Program ng PhilHealth na nangangahulugang walang bayad ang indigent na pasyente kung sa pampublikong ospital o sa piling pribadong pasilidad macoconfine ang benepisyaryo.