Ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang saku-sakong abono na bigay ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) para sa mga lokal na magsasaka noong Agosto 31 sa Kasama Kita sa Barangay Foundation, Brgy. Amanperez.
Ang 634 na sako ng abono ay bahagi ng tulong ng provincial government sa mga magsasaka ng Pangasinan matapos masalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong ‘Josie’ at ‘Inday.’
Naroon ang Agricultural Center Chief ng Sta. Barbara Station Gloria M. de Guzman, Market Specialist Fe R. Agas, at District Coordinator Helena S. Soriano upang pangasiwaan ang pamamahagi, kasama ang pinuno ng MAO na si Artemio Buezon at ang staff nito, LGU Consultant on Agrarian Concerns Pascual Manalang, at Federation of Bayambang Farmers’ Associations President Eligio Veloria.