Basic Computer Literacy trainees, nagsipagtapos

May 239 graduates ang nagsipagtapos sa Basic Computer Literacy Training na ibinigay ng APEC Mobile Digital Oppurtunity Center (AMDOC) noong ika-17 ng Hulyo sa Balon Bayambang Events Center.

Ang kursong ito ay hatid na tulong ng Fil-Chi Love & Care Foundation Inc. sa pakikipag-ugnayan ng Chinese-Filipino Business Club, inc., LGU-Bayambang, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., TESDA-Pangasinan, at Abono Partylist.

Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ng Managing director ng KKSBFI na si Mr. Levin Uy na malaking tulong ang training dahil napalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan upang magamit nila sa paghahanap ng trabaho, at nawa’y magsilbing gabay ito tungo sa maunlad na buhay.

Malugod na binati naman ang mga nagsipagtapos na trainees ni CFBCI Vice-President Stephen Sia. “Nagagalak ako sa inyong pagtatapos, at nawa’y marami kayong matutunan at mai-apply ninyo ang mga ito sa hinaharap”.
Sa kanyang pampinid na mensahe, nasambit ng CEO ng Fil-Chi na si Bella Huang na mayroon silang limang container vans na umiikot sa iba pang mga probinsyang ‘di naabot ng ganitong opurtunidad. Layunin nito, aniya, ang magbigay ng Hands-on Computer Training para makatulong sa bawat tao na umangat ang kaalaman sa teknolohiya at ng sa ganoon at magamit nila ito sa pangkasalukuyang panahon.

Ang batch at Commencement Rites na ito ay pang-127 na ng AMDOC.

Arrow
Arrow
Slider