Barangay Farmers’ Association presidents, pinulong ng Agriculture Office

Pinulong ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamumuno ni Artemio Buezon ang 66 na Barangay Farmers’ Association presidents ng Bayambang sa opisina ng MAO noong Hulyo 11.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ng agricultural technician na si Malvar Iglesias ay ang mga sumusunod: tobacco production, membership form para sa mga aplikante sa asosasyon, insurance para sa lupang sakahan, reorganization ng asosasyon, pagpapalago ng mga barangay nursery, damage control sa pananim, at hybrid rice program ng Department of Agriculture.

Inanunsiyo naman ng agricultural technician na si Ricardo dela Masa ang pagkakaroon ng Farmers’ Summit sa Agosto 9 upang magkaroon ng mas malalimang talakayan tungkol sa problema ng mga lokal na magsasaka at ang mga posibleng solusyon dito.