Orientation-Seminar on Tobacco Production, inorganisa ng MAO

Nag-organisa ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Artemio Buezon ng Orientation-Seminar on Tobacco Production para sa mga magsasakang gustong magtanim ng tabako noong July 10 sa St. Vincent Village Pavilion.

Inimbitahan dito ang mga opisyal mula sa National Tobacco Administration (NTA) upang magbigay kaalaman tungkol sa tobacco production. Sila ay sina NTA Pangasinan Branch Manager Engr. Cesario G. Sambrana, na nagbigay ng updates tungkol sa tobacco industry sa Pangasinan at sa mga programa at proyekto ng NTA, at Engr. Roger T. Madriaga, ang NTA Pangasinan Chief Agriculturist, upang talakayin ang mga implementing guidelines sa tobacco contract growing system. Naroon din si Melanie R. Rivera, ang manager ng Universal Leaf Phils. Inc. na nagbigay ng karagdagang kaalaman sa tobacco production technology.

Kabilang sa mga nakinig sa talakayan at nagtanong ay sina Mayor Cezar Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, Chief of Staff Atty. Raymundo Bautista Jr., at iba pang opisyal ng LGU.

Tinalakay ng mga taga-NTA kung anong lupa ang magandang tamnan ng tabako, mga variety na angkop itanim dito, at ang tamang panahon ng pag-ani.

Nabanggit din nila ang kanilang balak na magpahiram ng puhunan kasama ng Universal Leaf Phils. Inc.

Ayon pa sa NTA, P99 pesos ang presyo sa merkado ng bawat kilo ng tabako, at sila na rin ang magsisilbing buyer ng mga aanihing tabako.