Naganap muli ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Brgy. San Gabriel 1st kasama ang kapwa District 3 barangay na Amancosiling Sur at Amancosiling Norte noong June 22 sa San Gabriel 1st Evacuation Center.
Sa munting paunang programa, nagbigay-pugay si San Gabriel 1st Punong Barangay Jolly Medrano sa mga Municipal Officials at nagpasalamat sa mga tulong na naihatid sa kanilang distrito. “Sila na po sa Munisipyo mismo ang lumalapit sa mga remote barangays sa halip na tayo ang pumunta sa bayan para sa maraming klase ng serbisyo.”
Ayon naman kay Vice -Mayor Raul Sabangan, “Inasinger tayo so munisipyo para ed unya ran serbisyo ed barangay ira, dahil nakita ni Mayor at naramdaman niya na ang unang problema sa atin ay ang kalusugan. Kaya isinagawa ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay para makatulong sa bawat barangay ng Bayambang. Asahan po ninyo na magtutuluy-tuloy pa rin ang ganitong serbisyo para sa mamamayan ng Bayambang.”
Mismong si Mayor Cezar T. Quiambao naman ang nagkumpirma sa mga nasambit ni Vice-Mayor Sabangan nang sinariwa niya na ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay kanyang ipinangako sa taong bayan noong panahon ng kampanya. Pangako niya, “Hindi mapuputol ang ganitong serbisyo hanggang nandito ang Team Quiambao-Sabangan.” Nabanggit din niya ang naganap na groundbreaking ceremony para sa St. Vincent Fererer Prayer Park na aniya ay siyang mag-uumpisa ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan.
Sa kanyang pantapos na mensahe, binigyang-diin ng Municipal Health Officer na si Dr. Paz Vallo ang pangako ni Mayor Quiambao. “Patuloy na iikot sa bawat barangay ang ganitong mga serbisyo upang maihatid ang mga libreng tulong sa mamamayan ng Bayambang. Sana ay masiyahan po tayo sa mga serbiyong hatid ng LGU Bayambang.”