MCTQ nakipagpulong kay Pernia at Sen. Villar

Nakipagpulong si Mayor Cezar T. Quiambao, Ernesto M. Pernia, and Director General ng NEDA o National Economic Development Authority, sa tulong ni Senator Cynthia Villar, upang pag-usapan ang P399 million Bayambang Irrigation Project na balak pondohan ng KOICA o Korean International Cooperation Agency. Ang pagpupulong ay naganap noong Mayo 23 sa NEDA Central Office sa Ortigas Business Center, Pasig City.

Sa oras na iendorso ng NEDA ang proyekto at aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit na 2,000 ektaryang sakahan sa northwestern Bayambang covering 22 farming barangays ang makikinabang sa big-time irrigation project na ito ng administrasyong Quiambao-Sabangan.

(Report and photos courtesy of Levin N. Uy)