Mandatory Training para sa SK, isinagawa

Isinagawa ng Department of Interior and Local Government, sa pangunguna ni Municipal Local Government Operations Officer Romarie Soriano at ng mga representante mula sa Pangasinan State University-Lingayen Campus, ang Mandatory Training para sa mga bagong halal na mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Bayambang. Layunin nito na ipaalam sa mga SK Chairpersons at Kagawad ang mga responsibilidad na kaakibat ng posisyon na kanilang uupuan. Ang training ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center mula May 21 hanggang May 25.

Kasama sa mga tagapangasiwa sa training ay ang bagong upong Local Youth Development Officer ng LGU na si Angelito Joson ng MSWDO.

In his message to the trainees, Mayor Cezar T. Quiambao expressed his hope for the youth. “Sana kayo ang magbago sa pulitika sa ating bayan. Huwag ninyong dungisan ang inyong bagong posisyon. Kayo ang pag-asa ng pagbabago.”

“Sana makasama ko kayo sa ating laban sa kahirapan (sa bayan ng Bayambang),” he added.

Arrow
Arrow
Slider