Meet 9-year-old John-Gerard ‘Rhad’ Martinez Advincula, a polymath from Brgy. Magsaysay. Another pride of Bayambang.

Meet 9-year-old John-Gerard ‘Rhad’ Martinez Advincula, a polymath from Brgy. Magsaysay. Another pride of Bayambang. Here’s a summary of the report:

——————————————
Batang Bayambangueño Tampok sa Balitang Amianan

Isang 9 taong gulang na Bayambangueno ang itinampok sa Balitang Amianan noong Enero 8. Ayon sa ulat ni Russel Simorio ng naturang istasyon, si John-Gerard ‘Rhad’ Martinez Advincula, na taga-Brgy. Magsaysay, ay isang “young achiever and multi-talented, creative pupil, at best in English, Science, Mathematics, Spelling, at Reading.” Ayon pa sa ulat, di na mabilang ang naiuwi ni Rhad na mga medalya at tropeyo dahil dito. Isa rin umano siyang malakas na pambato sa iba’t-ibang kompetisyon tulad ng Maikling Kwento.

Ngunit hindi lang sa academics magaling si Rhad. Hindi rin daw siya pahuhuli sa pagrampa. Katunayan, siya ay na-itanghal na Mr. Little Bayambang noong 2014 at first runner-up Global Star Model ng Pangasinan. May talento rin daw siya sa pagkanta.

Ang kanyang ina na si Jhoy Martinez, dagdag pa ng balita, ay proud na proud hindi lang sa kanyang mga accomplishments at talents kundi sa pagiging mapagmahal, mabait, at responsibleng anak nito sa murang edad.

Nais daw ni Rhad na maging ehemplo siya ng ibang bata na magsipag sa pag-aaral, Pagwawakas ng ulat, nais rin niyang maging abogado balang araw.

YOUNG ACHIEVER

9-anyos na batang amianan sa Bayambang, Pangasinan, kinabibiliban dahil sa kanyang taglay na talino at talento

Posted by Balitang Amianan on Monday, 8 January 2018